Martial Law |
Martial law Martial law ito ay
isang civil law na kung saan marami ang naapektuhan nito. Tulad nalamang sa
ating bansang Pilipinas na kung saan ito ay nararanasan. Alam naman nating lahat
ito ay isang karumaldumal na naranasan sa ilang taon ng ating bansa sa panahon
ni dating pangulo ng ating republika ng pilipinas na si Ferdinand E. Marcos.
Naging ito makasaysayan sa ating bansa na kung saan maraming mga mamayang
pilino ang mga nagdusa, pinahirapan, at mga batas na pinaaral na kung saan
lalong nagpahirap ng todo sa mga pilipino sa panahong ito. Mga aktibistang
gustong patalsikin si Marcos sa kanyang termini bilang isang pangulo. Maraming
boses ang nagbigay ng kani kanilang saloobin tungkol sa Martial Law. Ngunit,
ang nangibabaw sa panahong iyon ay mga putok ng baril, sabog ng bomba, at mga
batas na nagpahirap sa mga mamayang pilipino. Kailangan pa bang ibalik ang
Martial Law na ito na kung saan nagbigay ito ng hindi kaaya aya sa ating bansang
at makasaysayang republika ng pilipinas. Isang termino ng bagong pangulong si
Duterte na unti unting ibinabalik ang Martial Law. Huwag na tayong pumayag sa
karanasanang ito. Itigil na ang patayan at mga hindi kaaya ayang mga
pangyayari. Dahil kung isang rebulosyon ang isang bagay na gustong bigyang
magandang halimbawa ng bawat isa. Sama sama o sabay sabay nating pigilan itong
unos na parating na ito. Huwag ng dagdagan ng panibagong ikakasari ng ating
bansa.
~ Ian Patrick Olifernes
Kontraktuwalian |
Nagpanukala naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng ‘win-win’ solution, na tila mapapawi lang ang pagiging kontraktwal sa pangalan. Laman ng sinasabing ‘win-win’ solution na bigyan ng mga benepisyo na mayroon ang mga regular na manggagawa gaya ng leave credits, 13th month pay, SSS, Philhealth, at iba pa. Kasama rin dito na maaaring maililipat ang mga manggagawa batay sa pangangailangan. Hindi na rin daw gagamitin ang agency, pero papayagan ang mga kumpanya na kumuha ng mga manggagawa o mag-outsource ng seasonal kung ganoon ang panangailangan. Ang mga mawawalan ng trabaho ay kailangan hanapan ng trabaho sa loob ng tatlong buwan o kung umayaw na maghintay ang manggagawa ay bibigyan siya ng separation pay at wala nang obligasyon sa kanya ang kumpanya. Magkakaroon daw ng mga mahigpit na patakaran sa mga kumpanya gaya ng hindi pagpayag na magkaroon ng subcontractor ang mga contractor sa construction, pagkakaroon ng sapat na kapital ng mga kumpanya na kayang pasahurin at bigyan ng mga benepisyo ang mga manggagawa nito. Nakabalangkas na ang panukalang ito bilang Department Order (DO) 30, na sinasabi nila DOLE Secretary Silvestre Bello III na papalit sa DO 18-A na nagliligalisa sa kontraktuwalisasyon at lumampas sa mga probisyon ng mga batas sa paggawa sa bansa.
Tinawag
itong ‘lose-lose solution’ ng mga grupo ng manggagawa, kabilang ang Kilusang
Mayo Uno, Trade Union Congress of the Philippines, Nagkaisa, Partido
Manggagawa, at iba pa. Panawagan ng mga manggagawa pigilan ang DO 30 at sa
halip ay totohanin ng gobyerno na wakasan ang lahat ng porma ng
kontraktuwalisasyon.
~ Joel Solinap
K-12 Program/Curriculum |
patungkol sa K-12 kurikulum. Karamihan sa atin ay hindi pa rin
nauunawaan kung ano ang ito at kung paano ito tumatakbo sa bawat estudyanteng
naapektuhan nito.
Bilang
isang estudyante o Senior High na estudyante, ako ay sang-ayon sa pagpapatupad
ng K-12 kurikulum, sa pagpapatupad ng Enhanced Basic Education Act 2013 na
layuning baguhin ang ating Sistema ng edukasyon sapagkat ang Pilipinas na
lamang sa Asya ang mayroong sampung tao ng Basic Education. Ito ay pinatatupad
noong 2012 ng Kagawaran ng Edukasyon sa administrasyon ng dating pangulong si
Benigno S. Aquino III.
~ Angelica Marie G. Dayang
Sa pagpapatupad nito, mas magiging handa ang
kabataan sa pagtatrabaho at pagkuha ng propesyon. Maaari na ring ituring na may
mataas na pinag-aralan ang sino mang nagtapos ng K-12 kahit pa sa ibayong-dagat
marahil matapos lang ang K-12 kurikulum ay maaaring nang makapag-aplay ng
trabaho na nais ng kabataan na makamit para sa kanilang kinabukasan. Ayon nga
sa blogspot.com, maaari ng kumuha ng Certificate of Competency Level 1 kung
nakumpleto mo ang requirements ng TESDA kahit na Junior ka palang at
pagnagpatuloy sa Senior High, ay may mas magandang oportunidad na makakuha ng
trabaho lalo na sa mga kapos sa panustos sa kolehiyo.
Ganoon
paman, marami rin ang kumokontra nito. Nakikita pa rin nila ang K-12 bilang
aksaya sa oras at sapat na daw ang sampung taon na batayan sa edukasyon. Ilan
sa mga pamilyang Filipino ay salat pagdating sa pinansyal. Karamihan ay dugo’t
pawis nilang pinaghihirapan para lamang makatungtong sa paaralan ang kanilang
mga anak. Kung kaya’t sinasabing mas
malaki ang makokonsumo sa gastos sa paaralan dahil nagkaroon ng karagdagang
taon ng dahil sa K-12 kurikulum. Ayon kay Anakbayan UP Los BaƱos (2012), na
nakakukuha pa rin ng mataas na marka ang mga bansa na may 10 taon na batayang
edukasyon, ang K-12 din daw ay disenyo upang mapagsilbihan ang mga dayuhang
mamumuhunan sa bansa at hinihikayat nito ang mga kabataan na mangibang bansa imbis
na maglingkod sa sariling bayan. Ayon din dito na kulang ang DepEd sa
preparasyon sa pagpatutupad nito.
Pero para sa akin,
mabuti parin ang pag-iimplementa nito sa kabila ng mga batikos at aligasyon. Dahil
tayo lamang ay inihahanda sa maaaring maging propesyon at maging matagumpay sa
ating mga minimithing kinabukasan. Sinasaad sa Republic Act no. 10533 Section
2. Declaration of Policy --- The State shall establish, maintain and support a
complete, adequate and intergrated system of education relevant to the needs of
the people, the country and society-at-large. Dito makikita natin na sino man
ang magtatapos ng K-12 Kurikulum ay mas skilled at armado sa pakikibaka sa
global competencies. Nagiging reponsableng mamamayan din ito dahil nakakatulong
ito sa pag-angat ng ating bansa.
Sa pangwakas, tulad nga
ng nabasa ko sa D’Star (2015), gawin sana ng mga concerned na mga sektor ang
kanilang parte para maging mabisa ang pag-iimplementa ny K-12. At ngayon nga na
napatupad ito, masasabi ko na maayos ang naging takbo nito at tinatamasa ko ang
magagandang dulot nito. Kaya samahan mo ako, wag nang mag-atubili, supurtahan
natin ito.
~ Angelica Marie G. Dayang